SANDATA
NG GURO
Papel
kang itinuturing na nakasabit sa dingding,
Sa’yo
inilalatag ang laman ng aralin.
Hungkag
ka’t walang sulat sa kanilang pagdating,
Ngunit
iiwan kang lamog at marusing.
May
kasabihan ngang walang malaking nakapupuwing,
Kaya
sa liit mo’y nasusukat ang iyong galing.
Ipinayayakap
mo ang sarili sa dingding,
Pulbos
ka nalang na ililipad ng hangin.
Talaan
ka ng pangalan ng mga mag-aaral,
Tagapangalaga
ka rin ng gawaing minarkahan.
Na
sa’yo ang sagot kung pasado o lugmok,
Ikaw
ang tagapagtanggol sa oras ng unos.
Katuwang
ka sa pag-alis ng naiwang alaala,
Sa
tulong mo’y walang matitirang marka.
Kaya
mong hagurin lahat ng problema,
Maliban
na lamang sa pusong nagdurusa.
Ang
lahat ng ito’y sandata ng guro,
Mahalagang
kagamitan sa pagtuturo.
Ngunit
ang pinakamabisang kagamitan,
Ang
maestrang nakangiti’t walang kapaguran.
Abril
22, 2017
Otel
Pampanga, San Fernando
Rdn