G U
R O
G umigising nang maaga habang ang iba ay tulog pa,
Magluluto
ng agahan para sa anak at asawa.
Mabilis
na magliligpit pagdaka’y gayak na,
Magmamadaling,
pumasok sa eskwela.
U unahing ngumiti sa mag-aaral ay babati,
Kalilimutan
ang problema kahit puso’y may pighati.
‘Pagkat
alam ng guro na siya’y di lamang magtuturo ng laman ng aklat na gutay-gutay,
Sa
halip ay tulay ng pag-asa ng buhay.
R esponsableng totoo, sakripisyo’y todo-todo,
Handang
ialay ang puso sa batang nais matuto.
Hindi
man biro ang pagiging guro,
Ang
bokasyon namang ito ay totoong ginto.
O ras na nauubos, sa paaralan binubuhos,
Subalit
sukli nito’y di masusukat, di matutuos.
Katuparan
ng pangarap ng mga batang nagsikap,
Hatid
sa guro, ay ngiti sa puso.
Abril
22, 2017
Otel
Pampanga, San Fernando
Rdn
Ang guro ang pinakaflexible na tao. Nanay ka na sa bahay, nanay ka pa ng maraming bata sa paaralan. Guro ka na sa paaralan, guro ka pa dn pagdating sa bahay. Nakakapagod, nakakapuyat, nakakastress pero pag nakita mong nagsisikap ang mga estudyante mo, balewala lahat ang pagod mo. Tipong kahit haggard na mukha mo, naka-smile naman ang lips mo.
TumugonBurahin