Lunes, Abril 24, 2017

G U R O


G U R O


G umigising nang maaga habang ang iba ay tulog pa,
Magluluto ng agahan para sa anak at asawa.
Mabilis na magliligpit pagdaka’y gayak na,
Magmamadaling, pumasok sa eskwela.

U unahing ngumiti sa mag-aaral ay babati,
Kalilimutan ang problema kahit puso’y may pighati.
‘Pagkat alam ng guro na siya’y di lamang magtuturo ng laman ng aklat na gutay-gutay,
Sa halip ay tulay ng pag-asa ng buhay.

R esponsableng totoo, sakripisyo’y todo-todo,
Handang ialay ang puso sa batang nais matuto.
Hindi man biro ang pagiging guro,
Ang bokasyon namang ito ay totoong ginto.

O ras na nauubos, sa paaralan binubuhos,
Subalit sukli nito’y di masusukat, di matutuos.
Katuparan ng pangarap ng mga batang nagsikap,
Hatid sa guro, ay ngiti sa puso.






Abril 22, 2017
Otel Pampanga, San Fernando
Rdn

1 komento:

  1. Ang guro ang pinakaflexible na tao. Nanay ka na sa bahay, nanay ka pa ng maraming bata sa paaralan. Guro ka na sa paaralan, guro ka pa dn pagdating sa bahay. Nakakapagod, nakakapuyat, nakakastress pero pag nakita mong nagsisikap ang mga estudyante mo, balewala lahat ang pagod mo. Tipong kahit haggard na mukha mo, naka-smile naman ang lips mo.

    TumugonBurahin