SANDATA
NG GURO
Papel
kang itinuturing na nakasabit sa dingding,
Sa’yo
inilalatag ang laman ng aralin.
Hungkag
ka’t walang sulat sa kanilang pagdating,
Ngunit
iiwan kang lamog at marusing.
May
kasabihan ngang walang malaking nakapupuwing,
Kaya
sa liit mo’y nasusukat ang iyong galing.
Ipinayayakap
mo ang sarili sa dingding,
Pulbos
ka nalang na ililipad ng hangin.
Talaan
ka ng pangalan ng mga mag-aaral,
Tagapangalaga
ka rin ng gawaing minarkahan.
Na
sa’yo ang sagot kung pasado o lugmok,
Ikaw
ang tagapagtanggol sa oras ng unos.
Katuwang
ka sa pag-alis ng naiwang alaala,
Sa
tulong mo’y walang matitirang marka.
Kaya
mong hagurin lahat ng problema,
Maliban
na lamang sa pusong nagdurusa.
Ang
lahat ng ito’y sandata ng guro,
Mahalagang
kagamitan sa pagtuturo.
Ngunit
ang pinakamabisang kagamitan,
Ang
maestrang nakangiti’t walang kapaguran.
Abril
22, 2017
Otel
Pampanga, San Fernando
Rdn
Tama! Ang pinakamabisang sandata ng guro sa lahat ng pagod niya sa pagtuturo ay ang ngiti. Dahil naniniwala ako na ang pagiging guro ay hindi madaling trabaho, hindi lang pisikal na pangangatawan ang napapagod kundi pati ang isip. Ngunit sa kabila nito, nananatili pa ring matatag ang guro. Sabi nga, hindi lang ang materyal o pera ang investment ng guro, ang pagmamahal ng mga mag-aaral ang pinakakayamanan ng mga guro ��
TumugonBurahinPag sinabing teacher, maraming gawain, maraming responsibilidad. Nakakapagod pero sa kabilang banda, masaya pa din. Lalo na kapag nakikita mong nag-eexcel sa klase ung mga estudyante mo. Pag sinabing teacher, dapat always ready! Laging nakangiti para goodvibes agad ang buong klase. Sana ma-share pa tong blog na to sa maraming teachers para mas mainspire pa cla sa pagtututro..
BurahinSa umpisa parang madali lang sabihin na kayo mo lahat. Lalo na sa pagtuturo kaya mo na pakisamahan ang mga estudyante, kapwa guro at iba pa. Kaya mong habaan ang pasensya mo upang ipaunawa sa klase ang leksyon. Sa kabila ng maraming mga sakripisyo sa ating bokasyon. Masarap humanap ng inspirasyon sa mga taong tunay na nagmamahal sayo at totoo. Patuloy kang magkakaroon ng dahilan para ngumiti sa kabila ng nakakapagod na routine sa buong araw. Ang ngiti ay nakakapagbigay pa ng good vibes na mashashare mo pa sa iba. Always smile. Positive you lagi.
TumugonBurahinFrom the title itself "Sandata Ng Guro", it sounds that teachers are coming to a war which is quite sarcastic yet true. One of the perks of being a teacher is that most of your students treat you like family or a friend whom they can comfortably tell their secrets or make jokes with. Yes it is very tiring and exhausting profession but whenever you see your students having improvements with your help, it's priceless and you feel motivated to do your job even better. We ourselves are the best visual aids and our smiles are the best attire that we can wear everyday so keep smiling 😁
TumugonBurahinFrom the title itself "Sandata Ng Guro", it sounds that teachers are coming to a war which is quite sarcastic yet true. One of the perks of being a teacher is that most of your students treat you like family or a friend whom they can comfortably tell their secrets or make jokes with. Yes it is very tiring and exhausting profession but whenever you see your students having improvements with your help, it's priceless and you feel motivated to do your job even better. We ourselves are the best visual aids and our smiles are the best attire that we can wear everyday so keep smiling 😁
TumugonBurahinNoong ako ay nagtungo sa ibayong dagat upang makipagsapalaran, saglit kong iniwan ang apat na sulok ng classroom. Baon ko ang masasaya at magagandang alaala ng mga naging estudyante ko noon. Nasabi ko sa aking sarili na ang propesyon na ito ay nakakapagod at pakiramdam ko hindi ito para sa akin. Subalit sa loob ng labing-dalawang taon kong paninirahan sa ibang dagat hindi nawaglit sa aking puso at isipan ang pagiging guro. Naidalangin ko sa ating Maykapal na kung ako'y muling magbabalik dito sa ating bayan nais ko na ako'y muli ring makabalik sa apat na sulok ng klasrum. Tunay nga na kung kalooban Niya na mangyari sa iyo ang bagay, ito ay Kanyang ipagkakaloob. Kaya't ang sandata ng guro ay di lang talino, lakas kundi yung puso na nagmamahal sa propesyong ito na walang hinhinging kapalit. Ito ay tunay na bokasyon na ipinagkatiwala ng ating Guro sa langit. To God be the Glory!
TumugonBurahin