Lunes, Abril 24, 2017

Sandata Ng Guro


SANDATA NG GURO


Papel kang itinuturing na nakasabit sa dingding,
Sa’yo inilalatag ang laman ng aralin.
Hungkag ka’t walang sulat sa kanilang pagdating,
Ngunit iiwan kang lamog at marusing.

May kasabihan ngang walang malaking nakapupuwing,
Kaya sa liit mo’y nasusukat ang iyong galing.
Ipinayayakap mo ang sarili sa dingding,
Pulbos ka nalang na ililipad ng hangin.

Talaan ka ng pangalan ng mga mag-aaral,
Tagapangalaga ka rin ng gawaing minarkahan.
Na sa’yo ang sagot kung pasado o lugmok,
Ikaw ang tagapagtanggol sa oras ng unos.

Katuwang ka sa pag-alis ng naiwang alaala,
Sa tulong mo’y walang matitirang marka.
Kaya mong hagurin lahat ng problema,
Maliban na lamang sa pusong nagdurusa.

Ang lahat ng ito’y sandata ng guro,
Mahalagang kagamitan sa pagtuturo.
Ngunit ang pinakamabisang kagamitan,
Ang maestrang nakangiti’t walang kapaguran.







Abril 22, 2017
Otel Pampanga, San Fernando
Rdn

6 (na) komento:

  1. Tama! Ang pinakamabisang sandata ng guro sa lahat ng pagod niya sa pagtuturo ay ang ngiti. Dahil naniniwala ako na ang pagiging guro ay hindi madaling trabaho, hindi lang pisikal na pangangatawan ang napapagod kundi pati ang isip. Ngunit sa kabila nito, nananatili pa ring matatag ang guro. Sabi nga, hindi lang ang materyal o pera ang investment ng guro, ang pagmamahal ng mga mag-aaral ang pinakakayamanan ng mga guro ��

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Pag sinabing teacher, maraming gawain, maraming responsibilidad. Nakakapagod pero sa kabilang banda, masaya pa din. Lalo na kapag nakikita mong nag-eexcel sa klase ung mga estudyante mo. Pag sinabing teacher, dapat always ready! Laging nakangiti para goodvibes agad ang buong klase. Sana ma-share pa tong blog na to sa maraming teachers para mas mainspire pa cla sa pagtututro..

      Burahin
  2. Sa umpisa parang madali lang sabihin na kayo mo lahat. Lalo na sa pagtuturo kaya mo na pakisamahan ang mga estudyante, kapwa guro at iba pa. Kaya mong habaan ang pasensya mo upang ipaunawa sa klase ang leksyon. Sa kabila ng maraming mga sakripisyo sa ating bokasyon. Masarap humanap ng inspirasyon sa mga taong tunay na nagmamahal sayo at totoo. Patuloy kang magkakaroon ng dahilan para ngumiti sa kabila ng nakakapagod na routine sa buong araw. Ang ngiti ay nakakapagbigay pa ng good vibes na mashashare mo pa sa iba. Always smile. Positive you lagi.

    TumugonBurahin
  3. From the title itself "Sandata Ng Guro", it sounds that teachers are coming to a war which is quite sarcastic yet true. One of the perks of being a teacher is that most of your students treat you like family or a friend whom they can comfortably tell their secrets or make jokes with. Yes it is very tiring and exhausting profession but whenever you see your students having improvements with your help, it's priceless and you feel motivated to do your job even better. We ourselves are the best visual aids and our smiles are the best attire that we can wear everyday so keep smiling 😁

    TumugonBurahin
  4. From the title itself "Sandata Ng Guro", it sounds that teachers are coming to a war which is quite sarcastic yet true. One of the perks of being a teacher is that most of your students treat you like family or a friend whom they can comfortably tell their secrets or make jokes with. Yes it is very tiring and exhausting profession but whenever you see your students having improvements with your help, it's priceless and you feel motivated to do your job even better. We ourselves are the best visual aids and our smiles are the best attire that we can wear everyday so keep smiling 😁

    TumugonBurahin
  5. Noong ako ay nagtungo sa ibayong dagat upang makipagsapalaran, saglit kong iniwan ang apat na sulok ng classroom. Baon ko ang masasaya at magagandang alaala ng mga naging estudyante ko noon. Nasabi ko sa aking sarili na ang propesyon na ito ay nakakapagod at pakiramdam ko hindi ito para sa akin. Subalit sa loob ng labing-dalawang taon kong paninirahan sa ibang dagat hindi nawaglit sa aking puso at isipan ang pagiging guro. Naidalangin ko sa ating Maykapal na kung ako'y muling magbabalik dito sa ating bayan nais ko na ako'y muli ring makabalik sa apat na sulok ng klasrum. Tunay nga na kung kalooban Niya na mangyari sa iyo ang bagay, ito ay Kanyang ipagkakaloob. Kaya't ang sandata ng guro ay di lang talino, lakas kundi yung puso na nagmamahal sa propesyong ito na walang hinhinging kapalit. Ito ay tunay na bokasyon na ipinagkatiwala ng ating Guro sa langit. To God be the Glory!

    TumugonBurahin